Friday, August 04, 2006

 

2006 yearlings at the Paris match farms

(Bull Market-Chardonnay by Caparison) Way to Victory (Bull Market-Victory colors by Polski Boy) Two of my yearlings have grown quite very well... Colt WAY TO VICTORY has blossomed into a muscled, wide girthed and alert individual, which I think resembles his brother MR. VICTORY but just a bit taller... The other Bull Market-Chardonnay yearling filly is typivcal of a growing filly. She had problems with her hind fetlocks as shown by some bruises. But over-all she is very healthy...I think with a few more months, she will have very good muscle tone that will bring her added physique when track training begins... chiao

Thursday, August 03, 2006

 

WINNER SI MR VICTORY-TUMBOK

2006 “WINNER SI MR. VICTORY" KUWENTONG MANANAYA By BUTCH MANIEGO For Tumbok 07-18-2006 Nang matapos ang 3rd leg ng 2006 Triple Crown series noong Linggo, halos nakatunganga ang lahat dahil hindi sila makapaniwala marahil sa kanilang nasaksihan. Isang kabayong nasarhan sa alisan at naiwanan ng halos 15 lengths ay nagparemate upang makuha ang Horseman’s Cup sa mga huling hakbang ng 2,050-meters na pagtakbo. At bukod sa lahat, ang kabayong ito ang pinaka-dehado sa pitong kalahok dahil nga naman hinulog niya ang hinete noong first leg at natapos siyang pangalawa sa bugaw noong second leg kaya hindi katakataka na iniwan siya ng kanyang takdang sasakay. At para ma-kumpleto ang fairy tale na ito, huling training assignment na itong nabuo ng isang tanyag na trainer na magi-immigrate na sa America at may pabaon pa siyang Triple Crown winner. Ang kabayong tinutukoy natin ay si Mr. Victory, upset winner para sa lahat pero hindi para sa kanyang may-ari at breeder na si Jake Maderazo, na siyang unang mediaman na makarating sa pinakamataas na antas ng mga may-ari sa karera, ang maging owner ng isang Triple Crown leg winner. “Kung alam mo lang ang lahat ng hirap na pinagdaanan nitong kabayong ito bago niya makuha itong isang leg ng Triple Crown, magtataka ka talaga,” sabi ni Jake sa akin kinabukasan pagkaraan ng kanyang makasaysayang panalo. “Nagka-sobrecana yan noong dalawang taong gulang kaya hindi nakasali sa mga Juvenile races at nagkaroon pa yan ng ilang insidente sa pista noong tatlong taon na kaya tuloy-hinto ang ensayo. “Pero hindi ako nawalan ng pag-asa,” sabi ng aking dating kasama sa ABS-CBN na 25 years ng involved sa horseracing bilang may-ari pero ngayon pa lamang nagkaroon ng isang kabayo na sa kanyang pananaw ay panlaban talaga sa mga malaking kuwadra na laging lumalahok sa mga ganitong karera. “David versus Goliath talaga yung nangyari,” sabi ng 50-year old former broadcast news executive. “At ang mas masarap pa nito, ang pinaka-fulfilling para sa akin ay ako rin ang nagpalahi sa kabayong ito. Alam mo naman nagsusulat ako tungkol sa breeding pero magandang pagkakataon ito para i-convert ko yung mga theory ko into reality.” Si Mr. Victory ay anak ng stallion ni Putch Puyat na si Mr. Sutter, na ang pagbili noon ay kinonsulta rin kay Jake dahil bilib siya sa lineage nito. Ang ina nitong si Victory Colors ay mula sa lahi ni Foinery, na isang French-bred. Si Victory Colors ay kapatid nila Angie Gray nguni’t maagang na-retiro dahil masakit ang paa at hindi na nakabalik sa pista dahil nabuntis ito ni Hazm at ang kanilang anak ay si Five O’ Clock. Si Mr. Victory ang pangalawang anak ni Victory Colors, at kapatid din niya ang current juvenile campaigner na si Miss Victory at isa pang weanling na may pangalang Way to Victory na dalawang taon pa marahil bago makita sa pista. Si Doc Tony Alcasid, na naghanda kay Mr. Victory, ay papaalis na nga at nakakuha pa ng isang huling pagkakataon para ipakita na siya talaga ang trainer ng mga kampeon dito. Alam niya at ni Jake na malaki ang panalo ng kanilang entry ng nakapag-trangko ito halos three weeks ago ng 2:12 sa 2,050-meters sakay si Lester Calingasan. “Eh di dapat 2:10 na yan pag si Dunoy,” ani Jake. Si Raquel naman ay nakapulot ng sakay dahil alam ni Maderazo na hindi na sasali si Tigres in Action sa third leg kaya kahit paano, may confidence siya sa kanyang magiging rider. Unang Triple Crown leg win yata ito ni Dunoy. Sobrang daming kuwento ni Jake tungkol sa ginawang “milagro” ni Mr. Victory pero bago matapos, nais niyang pasalamatan muli si Putch Puyat at ang Paris Match farms, sa Lipa City. “Lahat ito nangyari dahil sa kabutihan at tulong ng kaibigan ko,” sabi ni Jake Maderazo, may-ari ng bagong track sensation.

Wednesday, August 02, 2006

 

PRIDE AND JOY: 3rd place in first race

IT was a sight to see PRIDE AND JOY landing third in a very strong class race this Sunday. MOAB won that race and second was the stallion MICHAEL DA DRAGON. Jockey Dunoy was all praises for this horse because he had the guts to take drive home even in a punishing pace...Well time for thids horse to earn her keep. We will rest him for a week then run him in a imported special race at the Santa Ana Park... I think she'll win in her next race... Ciao..

This page is powered by Blogger. Isn't yours?